th0ughts are made t0 be expressed...
w0rds written succumb individuality...
cynicism is m0st welc0me,,but be prepared f0r the resp0nsibilities therein...
n0t every0ne is end0wed with the gift 0f writing...
but every0ne can try...
f0r w0rds are the best expressi0n,,0f what is hidden in man's hazy percepti0n...
Pitong kabataan ang namataan (ang 2 nauna ng umuwi sa kadahilanang hindi maaaring banggitin at ang isa naman ay pasaway na nahuli dahil sa kadahilanan na pwede nang sabihin. Dahil sa isang interbyu.he2.) na sumugod sa 2 givenchy st..blah..blah..blah. sa madaling sabi: sa bahay namin.he2. Sila ay sina Andrew, melai, tiffany, jok8, febbie, kai at gla (na hindi man lang nakapas0k sa l0ob dahil ipinagtulakan na siya palabas.ha3!). Ang mga ito ay wala lamang magawa sa kanilang buhay at nais magpalipas ng oras at magpagod na bumyahe sa bayan ng cavite upang makasama lang ang naghihikahos bagama't napakaganda nilang kaibigan (ehem!)ha3!. Ito seryoso na…. Natuwa ako dahil nagbigay ng sapat na oras ang mga taong nabanggit upang bisitahin ako, sino ba naman ako dba? Hamak na dyosa lamang na walang magawa sa kanilang tahanan kundi mag buhay dyosa pa rin (hay.ang hirap pala ng buhay ko.ha3!). Ang gusto sana naming lahat ay bisitahin ang bagong bukas na mall ngayon, ang MALL OF ASIA. Kaya lang dahil sa bakasyon at mahina ang kurakot sa allowance ay ipinapaliban na lang ang panonood ng X-MEN:The Last Stand. At ipinagpalit na lang namin 'to sa walang humpay na tawanan sa kalalaro ng 1-2-3 pass na laging nadadali ng pulbos sina Febbie at Andrew (ang hu2say kce ng actions eh!he2) at syempre di mawawala ang tsikahan na dinaig pa ni Andrew si boy abunda sa pagtatanong. Pero maigi din naman yun, dahil nagkaroon kami ng mga bagong kaalaman tungkol sa isa't isa kahit na matagal na kaming magkakakilala. Sa pag-uusap kagabi ay dun ko lang natanto na tumtanda na talaga kami. Akalain mo ba namang may halo ng pulitika, at mga gustong gawin sa buhay ang naging tema ng talakayan (naks!). At nandun pa rin ang kwentong pag-ibig na mapapasabi ka na lang ng sh**! ang tanga ko pala. Pero gayunpaman, ay sanay na ang tropa dyan. (eh, pano pare2ho lang ata kami.ha3!). kagabi ko lang din nalaman na kami lang ni jokate ang nagkakasundong magbeach. Oo. Ayaw nila sa beach dahil mas masarap daw lumangoy sa swimming pool ika nga ni Febbie. Kung sa bagay, pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko pa din sa dagat. Maalat kasi ang tubig at libre na ang pagpapatalas ng panlasa.ha3! bukod sa panonood ng sine, pagkain, pagtsi2smisan, paborito din naming past time ang kodakan. Nangunguna na dyan si tiffany na ginawang digi-cam ang telep0no ni Andrew, kung sa bagay may flash nga naman.he2. kung ano2 ng itsura namin, kahit hindi ako photogenic at minsan ay nagmumukhang artista sa larawan ay sige sinakyan ko ang hilig ni kambal. Minsan lang naman eh. Minsan lang siya magpasama sa picture!ha3! sa kabuuan ay nag-enjoy talaga ko at kung bibigyan ng pagkakataon ay mas pipiliin ko pa rin ang pagtambay kasama sila. Ang kinaibahan nga lang, gusto ko may pera at hindi butas ang bulsa .ha3! Marahil ay nagtataka ka na ngayon kung bakit tagalog ata ang entry ko. Ewan ko. Impluwensya yata ni Bob Ong. (pati yata istilo eh pinilit ko na ring gayahin). Sinubukan ko lang naman, aba'y masaya pala!aha3! ngayon lang ako nakatapos ng libro ni BO at yung huling libro pa niya ang binasa ko na wala namang masyadong nakatutuwang detalye bukod sa pagiging manunulat niya. Hindi ako nagbabasa ng libro niya dati sa dahilang pakiramdam ko eh puro kababawan sa pagkokomedya lang ang laman. Pero hindi naman pala. May mapupulot ka ding aral at mga bagay na kikiliti sa iyong isipan. Sayang nga at hindi ko nabisita ang website niya noon na Bobong Pinoy kung saan una siyang nakilala. Hindi ako tagahanga, nahusayan lang ako sa istilo niya kasi hindi ako naghikab kahit minsan. (ayos!) Parang nainspire yata ako maging manunulat. Pero sabi nga niya kung hobby mo lang ang pagsulat at hindi ito isang pasyon para sayo eh wag mo nang balakin. Mahirap nga naman ang paganahin lagi ang utak at magimbento ng mga bagay bagay na minsan ay hindi mo na rin alam kung saan ang tungo. Mahirap yatang kalabanin ang katamarang mag-isip. Pero kung ikaw yung tipo ng tao na walang ibang ginawa sa buong maghapon kundi tumunganga at kunwari'y nagiisip ng malalim. Baka may pagasa ka. Pag-asang maging baliw kung hindi mo yan ititigil.he2. sa kabuuan nasiyahan naman ako sa aking binasa (hindi ba halata?!) Tatapusin ko na 'to alam ko namang masakit na ang mata mo sa pagtitig sa monitor at pinagtyatyagaan m0 na lang basahin ang basurang litanya ko. Titigilan ko na rin ang pagiging babaeng version ni Bob Ong, baka paggising ko bukas, di ko na ituloy ang kurso ko at magsulat na lang ng walang katuturan. Pagbigyan mo na ko, di ko naman seseryosohin 'to eh, napagkatuwaan ko lang. Bakit? Di ka ba nag-enjoy sa pagbabasa?he2.
+ sEnTimEntS p0uReD 0uT +
7:41 AM
|
; F O R E V E R C H A N G I N G ;
:) BEVERLY a.k.a bEvz, bEbanG, kUTing, LeN
:) a juni0r at St.Sch0lastica's c0llege taking up BS-MGT Psychology
:) 21st 0f N0v.1986 was the day my parents were given their sweetest femenin0..he2..
:) i can be y0ur bestest[if such w0rd d0 exist..]best friend, and y0ur nastiest enemy he2..
:) y0u can send me y0ur th0ughts at: bevz_0311@yahoo.com
; S M I L EF O R M E ;
:) fruitella raspberry!..
:) beaches and windy aftern0ons...
:) sp0ntane0us activities and c0nstant fl0w 0f ideas...
:) pill0ws and c0mfy bed
:) b0oks and a quiet place t0 daydream..he2..
; H O L D I N GO N ;
:) t0 w0rld peace..waha3!
:) the day i'll meet m0ther theresa..
:) t0 skates, skating, figure skating
:) t0 see the end 0f the rainb0w..[yah right!]
:) t0 learn and speak french fluently..[dream 0n!]